"May edad na nga raw ako bakit ngayon pa ko nag-aral, ganoon. Sabi ko naman po wala naman po sa edad ang pag-aaral basta may pangarap."

Inspirasyon ang hatid ng tatlong natatanging graduate ng Bulacan State University.

Isang senior citizen, isang ina at isang security guard, ang nagtapos ng kolehiyo sa unibersidad. Lahat sila, may mga natatanging istorya rin sa pag-abot sa kanilang pangarap.

Ang kanilang kuwento, alamin sa video.